๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—”๐—–๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—œ๐—š๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฆ๐—ฆ ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก-๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ

Ngayong taong 2024 ay buwan buwan nang isasagawa ng Social Security System ang Run Against Contribution Evaders o RACE Campaign upang magsilbing paalala sa obligasyon ng mga employers sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa pahayag ni SSS Urdaneta City Branch Acting Head Christopher Servas, karamihan sa mga employers ang nananatiling hindi nagrereport sa mga empleyado nila para sa SSS Coverage, ito ang pangunahing dahilan upang isagawa ang kampanya sa buwan-buwan.

Inilunsad din ang naturang kampanya bilang paalala na kolektahin at ihulog ang kontribusyon ng mga empleyado kabilang ang โ€™employersโ€™ share.

Saad naman ng kasalukuyang Head ng SSS Urdaneta City Branch na mayroong palugit na labing limang araw ang mga employers upang makasunod sa mga itinakda sa SSS Law. Kung hindi man ito maayos ay mapipilitan ang tanggapan na ipaabot sa legal department ng ahensya ang problema at higit pa dito ay magsasampa ng kaukulang kaso sa mga employers upang maibigay ang nararapat sa mga apektadong manggagawa. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments