𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗨𝗣𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗡𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟲

Balik muli sa operasyon sa January 6, 2024 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasagawa ng road elevation at drainage upgrade sa ilang bahagi ng kakalsadahan sa Dagupan City, matapos na magkaroon muna ng break ang mga nagsasagawa nito bilang pagdiriwang sa pasko at bagong taon.

Ipagpapatuloy sa sabado ang konstruksyon ng mga kakalsadahan partikular sa bahagi ng Arellano Street papunta sa Central Business District, kung saan binigyang katiyakan din ng LGU na walang ano mang sagabal sa daanan sa sabado dahil pauna nang pinakiusapan ang mga vendors at mga business owners bago pa man nasimulan ang naturang konstruksyon ng proyekto.

Nito lamang ay nagsagawa ng inspection ang City Engineering Office sa mga kasalukuyang road elevation at drainange upgrade para makita ang progreso ng naturang proyekto.

Nauna na na ring hiniling sa DPWH na i-fast track ang proyekto na bahagi ng flood mitigation program ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments