Hindi na kailangan magdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Pangasinan dahil sa epekto ng El Niño phenomenon. Ito mismo ang kinumpirma ni Pangasinan Provincial Agriculturist Dalisay Moya.
Ayon sa opisyal, bagamat hindi maiwasan na maapektuhan ang lalawigan ng Pangasinan, hindi naman aniya masyadong apektado ang lalawigan sa nasabing El Niño.
Ang palay at mais pa rin ang pinakanaapektuhan sa lalawigan bagamat minimal lamang ang epekto nito sa lalawigan.
Sa ngayon, bagamat mainit ang panahon at nakakaranas na rin ng mga pag-ulan ang lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments