Ibinahagi sa United Patalan Integrated Farmers Association sa bayan ng Tayug ang mga hakbang sa pagtatanim at pagpapataas ng kanilang ani na pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Office 1.
Ang naturang pagsasanay ay nakatuon sa pagbibigay kaalaman sa urban agriculture gardening at common insect pests and diseases of vegetables at maging pag-aalaga ng mga gulay upang mapalakas pa ang kanilang ani.
Nagtanim ang mga miyembro ng asosasyon ng iba’t ibang klase ng gulay, kabilang ang mga gulay na pang-pinakbet na isang paboritong putahe ng mga Ilokano.
Ang naturang pagsasanay makakatulong sa paghahanap buhay ng mga magsasaka at pagpapataas ng kaalaman sa pagtatanim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments