𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗙𝗔𝗥𝗘 𝗠𝗔𝗧𝗥𝗜𝗫, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗗

Cauayan City – Muling pinaalalahanan ng Public Order and Safety Division ang mga tsuper ng tricycle kaugnay sa pagsunod sa paniningil ng tamang pamasahe.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, ito ay dahil hindi maiiwasan na may mga tricycle drivers ngayon na hindi sumusunod sa itinakdang fare matrix ng pamahalaang lungsod ng Cauayan.

Dahil dito, may mga pasaherong nagrereklamo dahil sa sobra-sobrang paniningil umano ng pamasahe ng ilang mga tsuper ng tricycle.


Ayon kay Chief Malillin, naiintindihan nito ang sitwasyon ng mga tricycle drivers ngayon dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo subalit hindi ito sang-ayon sa masyadong mataas na presyo ng pamasaheng sinisingil.

Paalala ni Chief Malillin, ngayong kasalukuyan na ang pagdinig kaugnay sa pagrerebisa ng bagong fare matrix ay mas mabuting sumunod na lamang muna sa kasalukuyang taripa upang maiwasan na magkaroon ng anumang reklamo o aberya.

Facebook Comments