𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦-𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Nakaantabay ang iba’t-ibang mga ahensya tulad ng Land Transportation Office Region 1, Department of Health Ilocos Region at ang hanay ng kapulisan sa road at traffic management sa patuloy na pagsusulong ng mga ito ng road safety.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 115-A, nakasaad ang pagsusulong sa kaligtasan sa mga kakalsadahan at ang pagpapaigting pa ng kamalayan ng publiko kaugnay sa mga kaalamang nakapaloob dito.

Kaugnay nito, mas pinaigting pa ng mga ahensya ang pagpaalala sa pagsunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang anumang road accidents.

Sa datos ng Land Transportation Office Regional Office 1, nasa higit tatlumpu’t-tatlo ang average na naitatalang road crash fatalities sa rehiyon araw-araw.

Samantala, nakikitaan din umano ng hanay ng kapulisan ang pagdami ngayon ng mga traffic violators, at bilang pagtugon ay nakaantabay ang mga pulisya sa mga kakalsadahan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments