𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗠𝗜𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗠 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗦𝗞 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Muling ipinaalala ng Commission on Elections ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditure o ang SOCE Form ng mga BSK candidates.
Ilang mga kumandidato sa Dagupan City ay nakumpleto na ang kinakailangang mga dokumento at tanging pagpapasa na lamang sa Office of the Election Officer ang kanilang gagawin.
Hinihintay na rin ng mga ito ang pormal nilang pag-upo sa posisyon bilang bagong halal na mga tagapamuno sa nasasakupang komunidad sa darating na Dec 1.

Iniiwasan din daw ng mga ito na magkaaberya lalo na para sa mga nanalong Barangay at SK Officials dahil nauna na ring ipinaala ng COMELEC na maaaring suspendihin ang pagkapanalo ng mga nanalong opisyal kung may nakabinbing anumang kaso ang mga ito.
Samantala, sa Nov 29 na ang deadline ng pagsumite ng SOCE Forms at hindi na palalawigin pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments