𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗙𝗘 𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗦𝗦𝗘𝗡𝗚𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Tututukan sa lungsod ng Dagupan ang pagsusuot ng life vest ng mga boat passenger na mula sa Island Barangay.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG), imomonitor nila ang mga pasahero ng motorboats pagdating sa pagsusuot ng life vest.

Anila, kahit pa malapit lamang ang byahe ng mga ito ay kailangan pa rin magsuot ng naturang life vest upang matiyak ang kaligtasan sa gitna ng kailugan. Kahit pa umano para sa mga marunong lumangoy ay kailangan pa rin magsuot nito dahil hindi umano masasabi ang oras ng peligro.

Nagbigay katiyakan naman ang lokal na gobyerno ng Dagupan ukol sa pagpapatupad ng polisiya na pagtitibayin naman ng pagbabantay ng PCG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments