Nagpapatuloy ang pagpapaalala sa mga motorista sa Pangasinan sa pagsusuot ng reflectorized vest at paglalagay ng visibility material sa kanilang mga sasakyan sa tuwing babyahe.
Puspusan ang isinasagawang information dissemination ng provincial government upang mabigyan ng kaalaman ang mga motorista tulad ng mga gumagamit ng motorsiklo, tricycle, bike, at ebike ukol sa bagong ordinansa.
May mga motorista naman na naglagay na rin ng mga visibility material sa kanilang mga sasakyan at reflectorized vest upang hindi na masita.
Sa ilalim ng naaprubahang ordinansa, kinakailangan na suot ang reflectorized vest at mayroong visibility material ang sasakyan habang bumabyahe mula alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga para sa kaligtasan ng mga motorista.
Ang sinomang motorista na lalabag sa naturang ordinansa ay may karampatang parusa.
Matatandaan na naumpisahan ang pagpapatupad nito sa buong lalawigan nitong August 1, 2024 ay alinsunod sa Provincial Resolution No.325-2024 na inaprobahan sa naganap na 76th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨