Nakaamba ngayong taong 2024 ang pagtaas sa presyo ng ilang mga basic commodities matapos na manatili ang presyuha nito kasunod sa pagdiriwang ng nagdaang holiday season.
Ayon sa pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI), matagal nang nakatanggap ang kanilang tanggapan ng notice of price adjustments mula sa mga manufacturers kaugnay sa hinihirit na taas presyo.
Sa ngayon, hindi pa inilabas ang nasa animnapu’t-tatlo na mga tukoy na produktong magkakaroon ng pagsirit sa presyo na inaasahang maipapatupad sa mga susunod na buwan ngayong taon.
Samantala, matatandaan na walang naging price adjustments sa Suggested Retail Price ng mga noche buena items nitong Disyembre lamang matapos magkasundo ang DTI at mga product manufacturers na wala munang taas presyo ng mga nasabing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨