Isa sa hinihiling ngayon ng transport group sa buong Ilocos Region ay ang pagtatakda ng partikular na rutang iikutan ng modernized at traditional na mga pampasaherong sasakyan.
Kung bakit ay dahil nakokompromiso umano ang viability ng mga pampublikong sasakyan lalo na at nagsidatingan at operational na ang mga modernized public utility vehicles o PUVs.
Kung bakit ay dahil nakokompromiso umano ang viability ng mga pampublikong sasakyan lalo na at nagsidatingan at operational na ang mga modernized public utility vehicles o PUVs.
Tiyak daw na kadalasan sa mga pasahero ay sa mga modernized jeepney ang pipiliing sasakyan dahil sa taglay nitong mga features tulad ng pagiging air conditioned.
Ani ng representante ng nasabing transport group sa rehiyon, kung nasa iisang ruta o bahagi sa kakalsadahan ang dinadaanan ng mga parehong modernized at traditional ay magkakatalo pagdating sa bilang ng mga commuters na kanilang maisasakay kaya naman hiling nila ang partikular na rutang nararapat o itatakda depende kung modernized o hindi.
Samantala, sa lalawigan ng Pangasinan, kaugnay pa rin sa umiiral na Jeepney Modernization Program ng pamahalaan, nasa halos 8% pa lamang sa mga PUVs ang upgraded kung saan pinakamarami pa rin ang modernized PUVs sa Lingayen na may 41 units habang nananatili pa ang karamihan sa mga sasakyan na traditional PUVs o hindi pa upgraded. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments