Muling iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa mga business establishments ang pagtalima sa itinakdang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Dagupan City matapos itong isailalim sa State of Calamity.
Ayon kay DTI Provincial Director, Natalia Dalaten, anim na pung araw ang naturang price freeze base sa inilabas na resolusyon ng Sangguniang Panlungsod at sino mang lumabag ay posibleng ma-isyuhan ng notice of violation karampatang multa.
Nagbabala rin si Dalaten sa mga magbabalak na magsagawa ng hoarding ng mga pangunahing pangangailangan o maging pagreresell sa mga ito tulad ng mga medical supplies na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Price Act.
Samantala, nagpapatuloy ang pagbibigay ng relief packs sa mga apektadong residente ng nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨