𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗟𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗖𝗧𝗩

Kuha sa CCTV ang pagtangay ng isang lalaki sa nahulog na wallet ng isang estudyante sa sa sidewalk ng isang mall sa Perez Blvd, Urdaneta City.

Kinilala ang suspek na si Clarkson Amolacion, 52 anyos. Ayon sa biktima na si Lovelyn Zonio,tinatayang nasa P21, 000 ang nilalaman ng wallet nito kasama ang identification cards at ATM.

Aniya, nang pauwi na ito sa kanilang tahanan ay napansin na nawawala na ang kanyang wallet. Sa kuha ng CCTV, pinulot ng suspek ang wallet ng biktima matapos itong mahulog pagka angkas sa motorsiklo.

Narekober ang pitaka at mga identification cards ng biktima ngunit bigong makuha ang P21, 000. Desidido ang biktima na magsampa ng kasong pagnanakaw sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments