Wednesday, January 28, 2026

β€Žπ—£π—”π—šπ—§π—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿ π—‘π—š π—šπ—₯π—”π——π—˜ 𝗧π—₯π—”π—‘π—¦π— π—¨π—§π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—¬, π—œπ— π—œπ—‘π—¨π—‘π—šπ—žπ—”π—›π—œ

β€Ž
β€ŽCauayan City – Posibleng hindi muna payagang umangat sa susunod na baitang ang mga mag-aaral na kulang pa sa kasanayan sa pagbasa at paggawa ng basic mathematics, ayon sa panukalang inilabas ng isang congregational commission bilang tugon sa patuloy na education crisis sa bansa.
β€Ž
β€ŽSa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na inilabas nitong ika-27 ng Enero, inirekomenda ang unti-unting pagtanggal sa grade transmutation policy na ginagawang pasado ang mga bagsak na marka.
β€Ž
β€ŽAyon sa komisyon, nagiging dahilan ang naturang patakaran upang makausad ang mga estudyante kahit hindi pa nila ganap na natatamo ang mga kinakailangang kasanayan sa kanilang kasalukuyang antas.
β€Ž
β€ŽKaugnay nito, naglabas naman ng reaksyon ang publiko kaugnay sa nasabing hakbang.
β€Ž
β€ŽPara kay Ginang Leticia Sangalang mula San Pedro, Alicia, sinabi nitong pabor siya kung sakali mang maipatuad ang naturang hakbang.
β€Ž
β€ŽKwento pa niya, pansin niya umano sa kanyang mga apo na hindi sila nagbubuklat ng libro pagkagaling sa paaralan at cellphone agad ang hawak.
β€Ž
β€ŽSalungat naman ito sa pahayag ni Ginoong Nito Maddalora ng Alicaocao, Cauayan City kung saan sinabi nitong mas maganda kung magkakaroon muna ng meeting ang mga parents at teachers kaugnay dito.
β€Ž
β€ŽRemedial naman ang mungkahi ni Ginang Marites Camongao na residente ng Cabaruan, Cauayan City para sa mga batang bumagsak.

—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments