𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗕𝗔𝗖𝗖𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinaigting ng National Tobacco Administration (NTA) ang pagsulong sa pagtatanim ng tobacco sa rehiyon uno. Isa sa mga adhikain ng ahensya, ang maipatupad ang sustainable tobacco enhancement program roadmap sa loob ng limang taon na siyang magpapaigitng sa mekanisasyon at suporta sa mga magsasaka.

Tinitiyak ng tanggapan na bagamat hindi kalakihan ang pondo para sa naturang sektor ay taon-taon naman umano silang nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka tulad ng pamamahagi ng mga pataba, punla ng tobacco, curing barns, at iba’t ibang livelihood project para sa mga ito.

Isa rin sa kanilang hatid na suporta sa mga magsasaka ay P40,000 hanggang P50,000 bawat ektarya ng taniman ng tobacco.

Mayroon rin scholarship program para sa mga anak ng mga magsasaka ng tobacco na nais naman kumuha ng kursong may kinalaman sa agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments