Dahil sa layuning maprotektahan ang mga marine protected areas sa lalawigan ng Pangasinan, isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan.
Base sa ipinanukala ng mga board members ng Sanggunian nina BM Vici Ventanilla at BM Nicholi Jan Louie Sison, na planong itatag ang isang network sa lungsod ng Alaminos, bayan ng Anda at Sual para maprotektahan ang mga yamang tubig ng lalawigan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.
Sa ilalim ng MOA, nakatakdang lagdaan ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, maging ang DENR, ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), at ang mga lokal na pamahalaan ng mga bayang nabanggit.
Layon din ng provincial resolution na isa itong hakbang para mapanatili at mapangalagaan ang yamang tubig at mga coastal biodiversity ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments