𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗔𝗧 𝗖𝗪𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Itinuro sa mga Person with Disabilities o PWD at Children with Disability parents ang pagkakaroon ng oportunidad sa pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang negosyo at hanapbuhay.

Sumailalim ang mga ito sa Entrepreneurship Seminar kung saan tinalakay ang mga isinasagawa para makapagpatayo ng sarili nilang mga negosyo.

Layon ng lokal na pamahalaan ng Manaoag katuwang ang Department of Trade and Industry ana maiangat pa ng mga PWD at CWD parents sa pamamagitan ng kakayahang kumita.

Nagbigay katiyakan naman ang lokal na pamahalaan na tuloy ang kanilang suporta sa mga PWDs at CWD parents sa kanilang nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments