Magtipid muna sa pagkonsumo ng kuryente, yan ang payo ngayon ng awtoridad matapos na makapagrecord ang San Roque Power Corporation ng kasalukuyan lebel ng dam ngayon.
Ayon sa data ng San Roque Power Corporation, May 6, 2024, nasa 227.10 meters above sea level ang kasalukuyang lebel ng dam kung saan napakalapit na sa pinakamababang lebel na kanilang naitala noong taong 2021 kung saan nasa 225 meters above sea level.
Tinuturing nang critical level ang nasa 225 masl kaya naman hinihikayat ngayon ang konsyumer ng kuryente na kung maaari ay magtipid sa paggamit ng enerhiya para maiwasan na umabot sa kritikal na lebel ang naturang dam.
Pinapayuhan ang lahat ng konsyumer ng enerhiya na i-unplug ang mga appliances na hindi naman ginagamit at maging pagbukas-sara sa refrigerator.
Dalasan rin umano ang paglilinis at pagpapalit sa mga mga filter ng mga ginagamit na cooling appliances. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨