Patuloy na nagbibigay ng paalala sa publiko ng tanggapan ng Pangasinan PDRRMO ukol sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente ngayong panahon.
Malaki umano ang magiging ambag ng maliit na hakbang na ito kung bawat kabahayan ay pahahalagahan ang pagtitipid sa konsumo sa kuryente nang sa gayon ay makatulong sa energy conservation.
Paalala ng awtoridad na kung maaari ay tanggalin na sa saksakan ang mga electronic devices na hindi na ginagamit maging pagpatay sa ilaw at electric fan kung tapos na itong gamitin at uugaliin na gumamit ng bisikleta o maglakad kung pupunta lamang sa malapit.
Payo rin ng awtoridad na makatutulong ang pagkakabit ng mga energy efficient na mga ilaw at kagamitan tulad ng LED lighting nang sa gayon ay makatulong na makapag tipid sa kuryente at makatulong na rin sa pagpapahalaga sa kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨