
β
βCauayan City – Sinang-ayunan ni Isabela Governor Rodito T. Albano ang hakbang ng pambansang gobyerno na tugunan ang kakulangan sa silid-aralan sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DepEd at ibang gobernador noong Pebrero 11 sa MalacaΓ±ang Palace.
β
βLayunin ng kasunduan na pabilisin ang konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa, kung saan DepEd ang magbibigay ng disenyo, pamantayan, at pondo, habang ang mga lokal na pamahalaan ang mangunguna sa pagbili ng materyales at aktwal na konstruksyon.
β
βAyon sa DepEd, higit 145,000 silid-aralan pa rin ang kulang hanggang Disyembre 2025, dahilan para magsagawa ng klase sa pansamantalang lugar gaya ng basketball court o bukas na espasyo, at paminsang shifting schedule.
β
βBinigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Gov. Albano na malaking hakbang ang MOA upang masigurong bawat batang Pilipino ay may ligtas at maayos na silid-aralan.
β
βSource: Isabela PIO
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










