𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦

Tiniyak ng Schools Division Office (SDO) Ilocos Sur ang patuloy na suporta sa mga guro sa probinsiya at sektor ng edukasyon.

Ayon kay SDO Ilocos Sur Superintendent Joel Lopez, tutugunan ang mga nararanasang problema, maging ang mga pangangailangan ng mga guro sa patuloy na pagtaguyod ng kanilang karapatan at kapakanan.

Muling kinilala ang nasa dalawang libo at limang daang mga guro ng SDO Ilocos Sur sa naganap na selebrasyon ng Teacher’s Month sa Vigan City na may temang “2024: PUL-OY: A tribute to the Teacher-Heroes of SDO Ilocos Sur.”

Samantala, nauna nang ipinagdiwang ng higit limang libong mga kaguruan sa buong Ilocos Region ang selebrasyon ng Teacher’s Month sa Candon City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments