𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦; 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗥

Pag-iingat mula sa heat stress ang isa sa binibigay na paalala ngayon ng Department of Labor and Employment sa mga trabahador ngayong kasagsagan ng dry season o matinding tag-init.

Lalo pa at hindi maiiwasan ang tambak na trabaho sa loob ng opisina ay maaaring sumabay din ang matinding init ng panahon para makaapekto sa kalusugan ng isang manggagawa.

Ang mga manggagawa sa Dagupan City gaya ng mga construction worker, oras oras ang pagkakaroon ng saglitang pahinga o pagsilong sa lilim lalo at kabi kabilaan road construction ang kanilang isinasagawa.

Hindi umano maiwasan minsan na makaranas ng pagkahilo dahil sa pagkaubos ng tubig sa katawan matapos na mapawisan dahil sa init ng panahon.

Samantala, muli namang ipinaalala ng DOLE ang Advisory No. 8, Series of 2023 kung san may rekomendasyon na hakbangin para maiwasan ang heat stress kapag may sapat na bentilasyon at heat insulation ang mga opisinang pinagtatrabahuhan ng mga manggagawa.

Mayroon din dapat sapat at naaayon na paggamit ng uniporme para sa iba’t ibang uri ng panahon na mararanasan kasama na ang pagkakaroon ng personal protective equipment maging pagkakaroon ng libre at sapat na inumin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments