Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na posibleng umiral ang La Niña phenomenon mula buwan ng Hunyo ngayong taon.
Sa panahon ng La Niña, asahan na palaging may ulan na minsa’y nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ayon sa PAGASA Administrator Nathaniel Servando, naglabas ang kanilang pamunuan ng La Niña Watch dahil nakikita nila na mataas ang posibilidad na iiral ito sa buwan ng Hunyo at maaari namang maranasan ang epekto nito sa mga kasunod pang buwan nito.
Dagdag pa nila na kung umabot hanggang 70% ang tyansa sa susunod na dalawang buwan ay itataas ang estado nito sa “La Niña Alert” upang makagawa ng agarang aksyon ang gobyerno kaugnay dito.
Samantala, sa kasalukuyan ay patuloy na nararanasan ang El Niño sa bansa, kung saan kabilang ang Pangasinan sa mga idineklarang 30 probinsya na maaaring makaranas ng tagtuyot ngayong buwan ng Marso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨