Inihayag ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na nakatulong umano ang nagdaang pag-uulan na dala ng Bagyong Carina at Habagat sa mga magsasaka sa Pangasinan.
Aniya, hindi gaanong apektado ang sector ng agrikultura sa lalawigan dahil ang ilan sa mga magsasaka ay nagsisimula pa lang na magtanim ng palay.
Sinabi nito, maliit lamang ang naging damage gaya ng mga pananim na nalubog sa baha.
Labis namang naapektuhan aniya ang industriya ng pangingisda dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog na dahilan ng pagkawala ng mga isda.
Dahil dito, nanawagan ang SINAG na mabigyan sana ng ayuda ang mga apektadong magsasaka at mangingisda upang makabangon muli.
Sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office pumalo sa P21,765,134.45M ang danyos sa sektor ng agrikultura at aquaculture sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨