Nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa publiko ukol sa mga gumagamit ng pangalan ng kapitolyo upang makapang-scam o makapang loko ng tao.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, isang grupo ng guro ang dumulog sa kanilang tanggapan upang isangguni ang katauhan ng di umanoy Regional Director ng Agritourism Department sa kapitolyo na nag ngangalang Norman Talleser.
Nangako umano ito ng trabaho kapalit ng P6, 400 na medical at notarization fee sa mga guro. Paglilinaw ni Lambino, wala umanong ganong opisina sa gobyerno kaya’t ito ay gawa-gawa lamang. Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan na agad ireport sa awtoridad ang ganitong utribng insidente at maging mapanuri sa sa transaksyon na may kinalaman ang pera.
Naaresto naman sa entrapment operation ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso bago pa man ito makakuha ng pera sa grupo ng mga guro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨