Nito lamang ay muling pinigilan at hindi tinigilan ng Chinese Coast Guard ang mga pilipinong mangingisda na nangunguha lamang ng shell sa nasabing karagatan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap, sinabi nitong ang nangyaring ito ay hindi na umano makatao at malaki na ang nagiging epekto sa ating mga mangingisda pagdating sa kanilang pangkabuhayan.
Dagdag pa niya, hindi konkreto at mabisang paraan ang aksyon na ginagawa umano ng gobyerno para maprotektahan ang karapatan at soberanya ng Pilipinas kung kaya’t hanggang ngayon ay tuloy pa rin na nakakaranas ng panghaharas ang ating mga mangingisda sa paglaot sa naturang karagatan.
Samantala, inihayag din ni Hicap na patuloy ang paghingi ng tulong ng ating bansa sa US para lutasin ang problema sa West Philippine Sea. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨