𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗥𝟬𝟮

CAUAYAN CITY- Personal na bumisita upang magpaabot ng pakikiramay ang ilang kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 02 sa kaanak ng Pilipinong binawian ng buhay dahil sa industrial accident sa bansang Japan.

Bilang tulong sa naulilang pamilya, iginawad ng OWWA ang ilang mga benepisyo katulad ng Death and Burial Assistance na nagkakahalaga ng P220,000.

Bukod pa rito, ipinagkaloob din ng ahensya ang iba pang tulong katulad ng Education and Livelihood Assistance Program o ELAP.


Ang nasabing OFW ay hindi na pinangalanan pa ng ahensya ngunit mula ito sa Nueva Vizcaya at piniling malayo sa pamilya upang makipagsapalaran ng ilang taon sa ibang bansa upang maitaguyod at mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments