Cauayan City – Nakakapagtala pa rin ng aksidente sa kalsada sa Brgy. Alinam, Cauayan City, isang barangay na matatagpuan sa kahabaan ng National Highway sa lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Kapitan Ronald Peralta, malimit umanong masangkot sa aksidente ang mga single motorcycle.
Aniya, malaking tulong naman ang mga streetlights na naikabit sa lugar dahil kung ikukumpara noon, di hamak na mas maliwanag na ang daan sa kanilang nasasakupan lalo na kapag gabi.
Sa mga pagkakataong may aksidente sa lansangan na sangkot ang dalawang sasakyan, nakakatulong din ang mga CCTV sa lugar upang maresolba ang insidente.
Gayunpaman, dahil along national highway ang kanilang barangay ay hindi talaga maiiwasan ang makapagtala ng aksidente kaya naman paalala sa mga motorista ang kanilang pinalalakas.
Ayon sa kapitan, mahalagang dalhin ang disiplina at pagiging maalam sa batas trapiko kapag magmamaneho. Ugaliing maging maingat sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan na mabiktima ng talamak na aksidente sa lansangan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
