Binigyan pansin ang mga pangangailangan sa operation at maintainance ng mga public schools sa bayan ng Mangaldan kung saan naglaan ng pondo upang matugunan ito.
Ang pondo ay nagmula sa Local School Board Fund na dating laan sana sa construction at repair ng public school ngunit napagdesisyunan na lamang na magkaroon ng realignment at ilan ang naturang pondo sa operation at maintainance ng mga public schools sa bayan.
Kalahating milyong piso ang pondong nakalaan para sa iba’t ibang programa na may pangangailangan ng pinansyal gaya na lamang ng Alternative Learning System o ALS at iba pang karagdagang maintenance at operation expenses sa mga public schools.
Samantala, mula naman ang mungkahi ng paglilipat ng alokasyon ng nasabing pondo kay Mangaldan District II Supervisor Dr. Minerva Serafica na sinegundahan naman ni Committee on Education Chairperson Councilor Aldrin O. Soriano. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨