𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗡𝗜Ñ𝗔

Handa na ang lalawigan ng Pangasinan, sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan o La Niña.

Ayon kay Pangasinan Governor Ramon Guico III handa ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pagpasok ng La Niña.

Patuloy aniya ang koordinasyon ng PDRRMO sa mga LGUs sa lalawigan ukol sa kahandaan, kagamitan, mga evacuation sites at maging ng mga food packs.

Inaasahan naman nito na maumpisahan na rin ang pagddredge sa ilang mga ilog upang kahit papano ay maibsan ang baha.

Nakikipag ugnayan na rin ang gobernador sa tanggapan ng Agriculture Office para sa maaaring tulong matanggap ng mga magsasaka sakaling matindi ang pinsala nito sa kanilang pananim.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments