𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚

Hindi masyadong apektado ng El Niño phenomenon ang lalawigan ng Pangasinan base sa obserbasyon at datos na nakalap ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, matatag ang supply ng mga pangunahing pangangailangan mula sa agrikultura patungo sa merkado. Dagdag pa niya na ang apektado ngayon ay ang mga magsasaka na nahihirapan sa patubig, dulot nga ng wala pang naitalang pag-ulan mula Pebrero.

Samantala, maganda rin diumano ang produksyon ng gulay mula sa lalawigan ng Benguet, gayundin ang iba pang lowland vegetables.

Sa usapin naman ng bigas, ang nararanasang pagtaas ay dahil sa mga paggalaw at epekto nito sa World Market. Ngunit, matatandaan na aasahan ang pagbaba nito sa mga susunod na linggo.

Gayunpaman, mariin din ang pagmomonitor ng Department of Agriculture at Bureau of Customs sa pagpasok ng mga smuggled na sibuyas sa mga lokal na pamilihan.

Asahan naman, diumano ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka sa pagpapababa ng epekto ng el niño sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments