Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga posibleng makaranas ng tagtuyot bunsod ng tumitinding El Niño Phenomenon ngayon buwan ng Marso.
Ayon sa Weather Bureau na PAGASA, nasa tatlumpung probinsya sa buong bansa ang maaaring maging apektado ng meteorological drought, ito ay ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Quirino, Rizal, Zambales at Pangasinan.
Ang ibang probinsya naman ay maaaring maranasan ang dry spell at dry condition.
Sa kaugnay na balita, nasa higit isang bilyong piso na ang naitalang danyos ng El Niño partikular sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Samantala, ngayong buwan ng Marso rin ay nasa hanggang isa lamang ang tsansang magkaroon ng tropical cyclone na maaaring mabuo sa Philippine Area of Responsibility o PAR. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨