Nagsimula nang magsuplay ng asin ang Pangasinan sa Philippine Coconut Authority o PCA.
Umabot sa dalawang milyong kilo ng asin o 40,000 na sako ng Agricultural Grade Salt Fertilizer mula sa Pangasinan Salt Center sa Barangay Zaragosa, Bolinao ang naipadala na ng probinsiya sa PCA.
Kasunod ito ng aprubadong resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ukol sa pakikipagkasundo ng gobernador sa PCA tungkol sa pagsusuplay ng asin na nakatakdang gamitin para sa coconut fertilization program ng pamunuan.
Patuloy na itinataguyod ang Salt Farm ng lalawigan sa adhikaing mas mapalakas pa ang salt industry ng probinsya at bahagi na rin pagtugon sa salt crisis ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments