Inamin mismo ng hanay ng Pangasinan PNP na naalarma sila sa sunod-sunod na bomb threat na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay matapos hindi lang mga paaralan kundi maging mga opisina sa Pangasinan ang nakatanggap ng Bomb Threat. Ito mismo ang kinumpirma ni Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa opisyal, sinabi nito na mula noong nakalipas na linggo ay may mga natanggap ng mga bomb threat ang ilan pang mga opisina at establisyemento sa lalawigan ng Pangasinan.
Ilan sa mga lugar na nakatanggap ng nasabing Bomb Threat ay ang Alaminos City, San Carlos City at mga bayan ng Mangaldan, Mangatarem, Bayambang, at Lingayen.
Bagamat negatibo naman lahat ng nasabing Bomb Threat, patuloy pa rin, aniya, ang imbestigasyon kaugnay dito ng mga awtoridad.
Iisa aniya ang motibo ng nagpapadala ng message, kung saan ay isang nagpakilalang Japanese ito.
Sa ngayon ay mas pinapaigting ng PNP Pangasinan ang pagpapa alala sa mga Pangasinense na maging mapagmatyag sa usapin ng Bomb Threat bagamat nanawagan sila ng pagiging kalmado sakaling makatanggap din nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨