π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘ 𝗣𝗑𝗣 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ π—žπ—”π—¨π—šπ—‘π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—›π—”π—›π—”π—‘π—”π—£ π—‘π—š π—›π—œπ—šπ—”π—‘π—§π—˜π—‘π—š 𝗦𝗔π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—–π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—”π—’

Nanawagan ngayon ang hanay ng PNP sa mga Pangasinense at iba pang tao na mag-ingat sa pagpunta ng Bayan ng Calasiao upang panoorin ang ginawang paghahanap sa katawan ng higanteng sawa sa bayan ng Calasiao.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, dapat may mga may alam lamang sa paghawak sa mga ahas ang nandoon upang maiwasan ang aberya.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa nakikita ang nasabing ahas na ilang araw na rin pinaghahanap ng mga snake hunters mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Matatandaan na nag trending ang social media post kaugnay dito matapos makita ang pinagbalatan ng ahas sa bahagi ng Brgy. Bued kung saan ay tinatayang nasa mahigit dalawampung talampakan ang haba. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments