𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗡𝗣 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗢𝗣𝗢𝗦𝗧 𝗢 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘

Muling nanawagan ang hanay ng Pangasinan Police Provincial Office kaugnay sa ibayong pag-iingat sa mga pinopost at sinishare online.

Itoy matapos mag trending nitong weekend hanggang kahapon ang social media post kaugnay sa Isang Blotter ng Isang Barangay sa bayan ng Bugallon tungkol sa umanoy nabigong pag-kidnap sa isang siyam na taong gulang na bata.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, sinabi nito na masyado ng malawak ang nasasaklaw ng social media ngayon na posibleng magdulot ng takot hindi lang sa Pangasinan kundi sa buong PILIPINAS.

Base sa Naging follow up investigation kasi aniya ay napag-alaman na walang katotohanan ang nasabing post at hindi totoo na tinangkang kidnapin ang bata.

Samantala, tiniyak naman ni dela Cruz na patuloy na magbabantay ang hanay ng PNP Pangasinan upang mapanatiling ligtas ang buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments