𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Tuloy-tuloy ang isinasagawang paghahanda ng Pangasinan Police Provincial Office sa nalalapit na Undas ngayong taon.

Ayon kay Pang PPO Chief, PCol Rollyfer Capoquian, nakahanda na ang kanilang deployment plan para sa security measures at mahigpit na monitoring ng peace and order sa probinsiya sa paggunita ng Undas.

Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang ahensya sa mga pulis sa lalawigan maging ang mga bus terminals na karaniwang dinadagsa dahil sa mga magsisi uwian sa Pangasinan.

Sa ngayon, mas pinaigting ng pulisya ang police visibility sa mga matataong lugar upang maiwasan ang pagtaas ng krimen sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments