Mas pinag-iigting ng awtoridad ang pagpapaala sa mga publiko kaugnay sa nararanasang matinding init ng panahon kasunod na sunod sunod na mga aktibidad na isinasagawa at ginaganap ng pagdiriwang sa Pangasinan.
Pumalo sa 51°C ang naitalang heat index kahapon at kasalukuyang pinakamataas na naitalang damang init sa lalawigan ngayong taong 2024.
Ngayong araw, nasa 49°C ang heat index forecast ng PAGASA sa lalawigan.
Kaugnay nito ang kaliwa’t-kanang isinasagawang outdoor activities sa lalawigan bunsod ng mga selebrasyon at kaganapan kaya naman patuloy na nagpapaalala ang awtoridad na maging maalam sa mga posibleng banta sa kalusugan ng nararanasang mainit na panahon kung saan talamak ang mga heat-related illnesses tulad ng heat stroke, maging posibleng kaso pa ng heat cramps at exhaustion.
Samantala, kahapon din ginanap ang Kalutan ed Baley na bahagi ng 2024 Bangus Festival sa Dagupan City at nakaantabay rin ang mga medical staffs upang mamonitor ang mabigyan ng agarang lunas ang mga makararanas ang anumang sakit sa gitna na mga aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨