𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗔𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦

Hinikayat ng Provincial Disability Affairs Office ng Pangasinan ang mgw Pangasinense na makibahagi sa pagsulong ng mga karapatan ng mga person with disabilities o PWDs sa lalawigan.

Ayon kay PDAO Pangasinan Head Jennifer Garcia, dapat na magkaroon ng kaalaman ang publiko sa mga karapatan at pangangailangan ng mga kababayang PWDs.

Sa pamamagitan nito ay maibibigay sa mga PWDs ang nararapat at pantay na oportunidad.

Ang mga government agencies, non-profit organizations, mga educational institutions, at lahat ng sektor ng lipunan ay hinihikayat na ibigay ang nararapat para sa mga PWDs sa larangan ng trabaho, ibang mga aktibidad sa loob ng komunidad at pati na rin sa edukasyon.

Samantala, nakatakdang isagawa ng pamahalaang panlalawigan ang iba’t-ibang aktibidad bilang paggunita sa 2024 National Disability Rights Week sa July 17–23, ayon sa Proclamation No. 597 ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments