Karagdagang Super Health Center ang nakatakdang ipatayong muli sa lalawigan ng Pangasinan.
Inaasahang maisasakatuparan ang konstruksiyon nito sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng Health Facilities Enhancement Program ng lokal na pamahalaan.
Layon nitong mapalawig pa ang mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan hatid sa mga residente rito. Sakaling maipatayo na, mapapakinabangan ng residente ang serbisyong medikal tulad ng X-Ray, Laboratory Testins, Birthing Room, at Dental Clinic.
Samantala, operational ang naturang health facility sa sampung mga bayan at lungsod sa Pangasinan habang itinatayo na ang SHC sa Anda.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments