Planong ilunsad ng Sangguniang Panglungsod at ng Pangasinan 2nd District Engineering Office ang isang resolusyong may layong mapabuti ang seguridad ng mga motorista sa mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan.
Kasunod ito ng paghain ng Draft Resolution no. R-6415 o ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga motorista sa pamamagitan ng paglalagay ng mga visible pedestrian lanes markings, road sign signal pati na rin ang uniform street lights sa mga kalsadang sakop ng siyudad.
Hindi na rin pinalampas ng komite ang pagtalakay sa posibleng hakbang sa pagsusulong ng nasabing panukala.
Kaugnay nito, inihain na rin ang isang resolusyong sumusuporta sa umiiral na Provincial Ordinance 325 o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest lalo na sa mga motoristang magtutungo sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨