Aprubado na ng House Committee on Basic Education and Culture ang resolusyong sumusuporta sa panukalang pagbabalik ng klase sa buwan ng Hunyo mula sa umiiral na August to May schedule sa kasalukuyan.
Sa lalawigan ng Pangasinan, sang-ayon ang mga magulang sa pagbabalik sa dating school year schedule na June-March dahilan umano ang epekto ng panahon hindi lamang sa kanila lalong lalo na sa kanilang mga pinapaaral na anak.
Inihayag naman ni DepEd Director Areola na hindi agad agad na inimplementa ang June-March schedule bunsod ng pag-ikli ang araw ng bakasyon na makakaapekto sa mga guro.
Samantala, sa kasalukuyang nagaganap pa ang iba’t-ibang konsultasyon ng ahensya sa pagsasapinal ng nasabing panukala at inaasahan naman na posibleng sa School Year 2025-2026 babalik ang dating panahon ng pagbubukas ng klase.
|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨