Binigyang-linaw ng lokal na pamahalaan ng San Quintin ang isyu tungkol sa natanggap na patient transport vehicle ng bayan noong September 11 sa Paoay, Ilocos Norte.
May ilang post umano sa social media na nagsasabing hindi kinilala ng LGU ang ginawang hakbang ng isang kongresista na dahilan kaya naisama ang bayan sa ginawaran ng naturang sasakyan.
Ayon kay San Quintin Mayor Florence Tiu, Hindi umano totoo na dahil sa isang opisyal kaya nagkaroon ng patient transport vehicle ang bayan.
Personal din umanong tinanong ito ng alkalde sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na siyang lumapit dito upang sumunod sa itinakdang requirement na pagpapasa ng municipal ordinance ukol ditto.
Nanawagan ang opisyal na huwag sirain ang magandang intensyon ng programa at ipagpasalamat na lamang ang pagtanggap ng sasakyan.
Samantala, kabilang sa listahan ng mga bayan sa Pangasinan na naktanggap nito ay Binmaley, Aguilar, San Carlos City, Basista, Pozorrubio, Alaminos City, Bugallon, Mangaldan, Dasol at San Fabian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨