𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗚𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡

Ipinanawagan ng Police Regional Office 1 ang patuloy na pagsugpo sa krimen ngayong Crime Prevention Week.

Ayon sa Chief of Community Affairs Section ng Regional Community Affairs and Development Region ng PRO1 na si PMAJ Mark Lagmar, hindi lang dapat umano ngayong Crime Prevention Week pinagtitibay ang pagsulong ukol rito bagkus ay dapat sa buong taon.

Hindi rin lamang dapat PNP, BJMP, NAPOLCOM, law enforcement agencies o organizations ang nangangalaga sa pagsugpo ng kriminalidad at nagpapanatili ng seguridad sa rehiyon bagkus lahat ay dapat kaisa sa pagpapalakas nito.

Isa sa mga hinihikayat ng tanggapan ay ang pakikiisa ng mga kabataan na Silang magiging susunod na lider ng bansa.

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng mga kabataan sa pag-alam ng batas at seguridad ng bansa laban sa kriminalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments