𝗣𝗔𝗪𝗡𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡; 𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬!

CAUAYAN CITY- Nilooban at pinagnakawan ang isang pawnshop kahapon ika-24 ng Setyembre sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Fortunato Gutierez, 74-anyos, at residente ng nabanggit na Lungsod.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa SCPO Station 1, bandang 8:15 ng umaga kahapon ay nakatanggap ng report mula sa mismong may-ari ng pawnshop hinggil sa nangyaring panloloob sa kanyang establisyemento.


Agad namang tumugon ang kapulisan at napag-alamang natangay ng mga suspek ang hindi pa matukoy na halaga ng pera at mga alahas.

Natuklasan din sa loob ng mismong pawnshop ang isang hukay na pinaghihinalaang ginamit ng mga suspek upang makapasok sa naturang establisyemento.

Sa kasalukuyan, puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring krimen.

Facebook Comments