𝗣𝗖𝗔𝗗𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗧𝗜𝗣𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗛𝗔𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚

Naglabas ng ilang tips at paalala ang Police Community Affairs and Development Unit Ilocos Region para maiwasan na mabiktima ng online hacking.
Ang pagbibigay kaalaman na ito ay para maiwasan o di kaya ay mapigilan ang ukol sa talamak ngayong account hacking o account take over sa mga social media accounts.
Ilan sa mga tips at paalala na isinaad ng PCADG ay ang paggamit dapat ng reputable anti-malware software na siyang magfifilter sa mga spam information at data na maaaring isang virus na matatanggap ng isang account.

Dapat din umano na siguraduhin na may password na hindi agad basta basta mahuhulaan at maaccess maging ang palaging pag update sa mga software na ginagamit para madoble ang security.
Mag-iingat rin sa pagbabahagi ng mga personal information online at siguring may back up ang lahat ng files sa account.
Matatandaan na nito lamang ay nabiktima rin at nahacked ang facebook account ng PNP PRO1 dahilan upang makasagpost ito ng mga unnecessary information, links at mga litrato ngunit agad din namang nabawi ang naturang account. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments