Nakahanda na ang pamunuan Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan at mga Sub-stations nito kasunod ng nagbabadyang epekto ni Bagyong Marce sa lalawigan.
Tiniyak ang nakapreposisyong mga kagamitan tulad ng rescue equipment at mga floating assets.
Nakastandby na rin ang ipapakalat na mga kawani mula sa Deployable Response Groups (DRG) sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan na mangangailangan ng tulong.
Hinihikayat ang mga Pangasinense na agad makipag-ugnayan sa kanilang walong substation sa probinsiya sakaling kailanganin ang kanilang tulong sa panahon ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments