Monday, January 19, 2026

𝗣𝗗𝗘𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗔𝗖 𝗖𝗔𝗣𝗔𝗖𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥

CAUAYAN CITY – Nakiisa ang PDEA Isabela Provincial Office sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Capacitation Seminar na ginanap sa San Guillermo People’s Coliseum, Brgy. Centro 1, San Guillermo, Isabela.

Dinaluhan ito ng mga opisyales ng barangay at mga miyembro ng Barangay Action Teams (BATs) mula sa 26 na barangay ng nabanggit na bayan.

Sa seminar ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga kinakailangang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar.

Bukod dito, nagsagawa rin ng oryentasyon sa mga bagong elected officers tungkol sa kanilang tungkulin sa ilalim ng barangay drug clearing program.

Facebook Comments