𝗣𝗗𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗖 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Kaisa ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL ng Pangasinan Provincial Jail sa Organic Agriculture Production matapos sumailalim ang mga ito sa isang pagsasanay.

Sa ilalim ng programa, nakapagtanim ang mga ito ng ibat-ibang vegetable seedlings tulad ng kamatis, talong, ampalaya, pechay, malunggay at iba pa.

Maaaring mapagkakitaan ang mga itinanim na ipagbibili sa mga taong dadalaw.

Saklaw pa ng programa ang paggawad sa mga trainees ng National Certificate II at allowance sa naging pagsasanay ng mga ito.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo ng naturang sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments