๐—ฃ๐—›๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐Ÿญ ๐—”๐—ง ๐Ÿฎ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐——๐—” ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ, ๐—ก๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—”

CAUAYAN CITY – Natapos na ng DPWH-Cagayan 3rd District Engineering Office ang konstruksyon ng Phase 1 at Phase 2 ng Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) Training Center sa Brgy. Nangalasauan, Amulung, Cagayan.

Mayroong dalawang palapag ang nasabing TESDA building kung saan naglalaman ito ng Director’s Office, Finance Office, Conference Room, Staff Room, Storage Room, Pantry, at tatlong Workshop Rooms.

Umabot na sa halagang P14.4 million pesos ang pondong inilaan para sa Phase 1 at Phase 2 ng nasabing proyekto at dadagdagan pa ito ng P4.8 million pesos para sa paglalagay ng bakod sa palibot nito.


Nagsimula ang konstruksyon ng gusali noong ika-22 ng Nobyembre taong 2021.

Facebook Comments